Huli

Ikaw ang huli
Aking sinta, tumabi
Sa akin, ika'y liligaya
Ipaparamdam ko sa 'yo ang pag-asa

Hindi ko alam kung bakit, paano
Basta ikaw ang laging tibok ng puso
Minsang bumitaw
Ako'y naligaw at nahanap mo

Sa gitna ng dilim
Oh, ang oras, huminto nang saglit
Nang maglapit ang ating mga mata
At nang mapasa'kin ka

Ikaw ang huli
Aking sinta, tumabi
Sa akin, ika'y liligaya
Ipaparamdam ko sa 'yo ang pag-asa

Sa bawat saglit na tayo ay magkasama
Ibubuhos ko ang lahat ng aking makakaya
Upang maipakita
Ikaw lang hanggang sa huli

Kaligayahang hatid ay 'di natatapos
Nilagyan mo ng kulay, aking paraiso
'Di ka bumitaw
Ako'y natutunaw sa bawat oras

Sa pag-ibig mong 'di kumukupas
At sa hirap at ginhawa
Tayong dalawa'y 'di sasablay
Ipapakita ko sa 'yo ang habang-buhay

Ikaw ang huli
Aking sinta, tumabi (tumabi na)
Sa akin, ika'y liligaya
Ipaparamdam ko sa 'yo ang pag-asa

Sa bawat saglit na tayo ay magkasama
Ibubuhos ko ang lahat ng aking makakaya
Upang maipakita
Ikaw lang hanggang sa huli

(Hanggang sa huli, hanggang sa) hanggang sa huli
(Hanggang sa huli, hanggang sa) hanggang sa huli
(Hanggang sa huli, hanggang sa) hanggang sa huli
(Hanggang sa huli, hanggang sa)

Ikaw ang huli
Pangarap ay tutuparin
Natin nang magkasama
Ipaparamdam ko sa 'yo ang pag-asa



Credits
Writer(s): Arthur Miguel Quimpo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link