Tayo'y Magtiwala Sa Diyos

Huwag kang matakot, kapatid
Anumang pagsubok ang dumating
Bagyo, lindol, o anumang mga sitwasyon
Tayo'y magtiwala sa Diyos

Huwag kang mangamba, kapatid
O 'di kaya'y mawalan ng pag-asa
Ating tandaan na nariyan ang Diyos
At 'di Niya tayo pababayaan

Tayo ay maghangad ng pagkupkop ng Diyos
At manatili sa pagkalinga ng ating Makapangyarihan
Ating sasabihin, "Muog Ka at Tahanan
Ikaw ang aking Diyos na tangi kong pinagtitiwalaan"

Sabi ni YAHWEH, "Aking ililigtas
At iingatan Ko sinumang Ako'y kilanlin
'Pag sila ay tumawag, handa Akong makinig
Sila'y sasamahan Ko at Aking sasaklolohan"

Sabi ni YAHWEH, "Aking ililigtas
At iingatan Ko sinumang Ako'y kilanlin
'Pag sila ay tumawag, handa Akong makinig
Sila'y sasamahan Ko at Aking sasaklolohan"

At dahil Siya ang ating Tagapagsanggalang
'Di tayo maaano, at 'di mapapahamak
Hindi matatakot anuman ang mangyari
Panatag tayo at ligtas sa Kanyang piling

At dahil Siya ang ating Tagapagsanggalang
'Di tayo maaano, at 'di mapapahamak
Hindi matatakot anuman ang mangyari
Panatag tayo at ligtas sa Kanyang piling

Huwag kang matakot, kapatid
Anumang pagsubok ang dumating
Bagyo, lindol, o anumang mga sitwasyon
Tayo'y magtiwala sa Diyos

Huwag kang matakot, kapatid
Anumang pagsubok ang dumating
Bagyo, lindol, o anumang mga sitwasyon
Tayo'y magtiwala sa Diyos
Tayo'y magtiwala sa Diyos
Tayo'y magtiwala sa Diyos

At dahil Siya ang ating Tagapagsanggalang
'Di tayo maaano, at 'di mapapahamak
Hindi matatakot anuman ang mangyari
Panatag tayo at ligtas sa Kanyang piling

At dahil Siya ang ating Tagapagsanggalang
'Di tayo maaano, at 'di mapapahamak
Hindi matatakot anuman ang mangyari
Panatag tayo at ligtas sa Kanyang piling

Panatag tayo at ligtas sa Kanyang piling
Tayo ay ligtas sa Kanyang piling



Credits
Writer(s): Jb Tugano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link