Langyang Pag-Ibig

'Lang-hiyang pag-ibig 'yan
Ang dami mong isusugal
Kung balak mo akong iwan
Oh, ba't mo pa 'ko minahal?

Tanda ko pa ang panghuli mong
Katamis na mga salita
Sabi mo, 'di mo na 'ko mapapasaya
Kaya't aalis ka na

Pasensiya na't 'di nagparamdam
Ayaw humilom ng hapdi
Kailan ba tayo magkikita?
May mga hinanakit pang gustong isigaw

'Lang-hiyang pag-ibig 'yan
Ang dami mong isusugal
Kung balak mo akong iwan
Oh, ba't mo pa 'ko minahal?

Alam kong 'di tayo 'tinadhana
Ang dami lang tirang mga sana
Oh, ba't ka pa nag-abala
Kung magsasawa ka lang rin pala?

Nasayang ba'ng mga taon
Ng buhay kong inalay sa iyo?
Ba't ba kasi nangyari 'yon?
Oh, hanep ka namang magdesisyon

Sayang ba ang oras nating magkasama
At sinundan ko pa'ng payo ng mga tala?
Kung pupunitin ko na ang mapang
Pabalik sa 'yo, pabalik sa 'yo

Kung ika'y magmamahal muli (pakinggan mo 'to, ah)
'Wag kang magpapangako
Kung 'di mo kayang panindigan
'Wag kang magpapangako
Kung 'di mo nga kayang panindigan

'Lang-hiyang pag-ibig 'yan
Ang dami mong isusugal
Kung balak mo akong iwan
Oh, ba't mo pa 'ko minahal?

Sana masaya ka na
Sa piling n'ya, sa piling n'ya
At kahit sinagad ko pa
Naglaho ka, naglaho ka

Alam kong 'di tayo tinadhana
Ang dami lang tirang mga sana
Oh, ba't ka pa nag-abala
Kung magsasawa ka lang rin pala?

'Wag kang magpapangako
Kung 'di mo kayang panindigan
'Wag kang magpapangako
Kung 'di mo kayang panindigan

Ikaw ang aking pinakamatamis na pagkakamali



Credits
Writer(s): Miguel Benjamin G Guico, Paulo Benjamin G Guico
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link