Payaso (Reprise)

Paano na ang ating pangarap na pagbabago
Lahat ng iyo'y naglaho at nagoyo tayo
Hindi pa rin natututo, sila pa rin ang pinaupo
Patuloy ang gulo hangga't kayo'y nagpapaloko

Panawagan ko lang sainyo, sana'y magising na kayo
Tila tayo'y nasa sirko, bakit natin hinayaan to

Kailan ba tayo madadala at mamumulat sa totoo
Silang mga nakaupo ang pinagmumulan ng gulo
Tigilan nang bulag-bulagan at magkaisa tayo
Walang lugar ang mga payaso sa pamumuno ng bayan ko

Iisa lang ang ating lupang sinilangan
Pero ngayon, bakit ako ang iyong tinatapakan
Parang naglalaro, laging nagbibiro, pero 'di mabenta
Kung sinong unang pipikit, siguradong iisahan nila

Panawagan ko lang sainyo, sana'y magising na kayo
Tila tayo'y nasa sirko, bakit natin hinayaan to

Nakadilat, nakatulala pero di bumabangon
Sabay-sabay tayong tumayo't simulan na ang pagbabago
Hipan ang apoy ng kandilang dahan-dahang tumutunaw sayo
Walang lugar ang mga payaso sa pamumuno ng bayan ko

Tunay na nakapanlulumo, mga ganap sa bansang ito
Abot-kamay na sana natin, di na susungkitin sa mga bituin
Ang inaasam na gobyernong tunay na nagmamalasakit
Na pamumunuan ng mga lider na mahusay at malinis

Ngunit anong ating ginawa? Bakit pinakawalan pa?
Nasa harapan mo na ang taong tama ngunit ang iyong pasya
Ay piliin ang kilala kahit hindi dalubhasa
At paupuin ang pulitikong minsan na tayong ninakawan

Mga mata'y imulat niyo, buksan ang isip at puso
Pakinggan ang katotohanang pilit nilang binabaluktot
Ang ating kasaysayan, nais na ibaon sa limot
Wag nating hayaan ang panlilinlang na magwagi sa dulo

At kung inyong itutuloy ang pagbibingi-bingihan
At dungisan ang inyong kapwang nagmamahal sa bayan
Ito'y inyong tatandaan: kapag naisahan nanaman
Wala kang pinagkaiba sa mga payaso mong sinamba

Kailan ba tayo madadala at mamumulat sa totoo
Silang mga nakaupo ang pinagmumulan ng gulo
Tigilan nang bulag-bulagan at magkaisa tayo
Walang lugar ang mga payaso sa pamumuno ng bayan ko

Nakadilat, nakatulala pero di bumabangon
Sabay-sabay tayong tumayo't simulan na ang pagbabago
Hipan ang apoy ng kandilang dahan-dahang tumutunaw sayo
Walang lugar ang mga payaso sa pamumuno ng bayan ko

Wag nang paloko sa payaso
Maawa ka sa kapwa mo
Napako lang mga pangako
Wag nang iluklok sa pwesto

Wag nang paloko sa payaso
Maawa ka sa bayan mo
Napako lang mga pangako
Pabagsakin na sa pwesto



Credits
Writer(s): Nicole Miña
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link