Hesus Dakila Ka

Nilikha Mo ang buong mundo
Hinahanap hanap ang pag-ibig ng tao
Pinamalita ang Iyong kabutihan
Inialay maging ang Iyong buhay

Sa kasalanan ng sangkatauhan
Pagmamahal Mo'y di mapapantayan

Hesus dakila Ka
Katawa'y nabayubay
Para sa 'ming karamdaman
Hesus pag-ibig Mo'y tapat
Dugo Mong tumigis
Na naghugas at naglinis
Sa amin

Namuhay dito sa mundo
Katuwiran at kabanalan ang tinuro
Pinakilala ang Diyos Ama
Sa dakilang habag at pag-ibig Niya

Ibinigay ang bugtong na Anak
Ang tumanggap sa Kanya'y di mapapahamak

Hesus dakila Ka
Katawa'y nabayubay
Para sa 'ming karamdaman
Hesus pag-ibig Mo'y tapat
Dugo Mong tumigis
Na naghugas at naglinis

Nakaranas ng tampulan ng pangungutya
Pinaratangan ng masama
Sa kabutihang ginawa
Kaya't sinabi Mong magtiwala at manalig sa Iyo
Kaligtasan at kagalingan
Ang pangako Mo

Hesus dakila Ka
Katawa'y nabayubay
Para sa 'ming karamdaman
Hesus pag-ibig Mo'y tapat
Dugo Mong tumigis
Na naghugas at naglinis

Hesus dakila Ka
Katawa'y nabayubay
Para sa 'ming karamdaman
Hesus pag-ibig Mo'y tapat
Dugo Mong tumigis
Na naghugas at naglinis
Sa amin

End of lyrics



Credits
Writer(s): Jojo Ibañez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link