Pamagat

Masyadong magulo
Pero kailangan parin nating tumakbo
Oras di mapahinto
Di umaantig puso ko'y naging bato

Di makilala ang sarili
Ako'y nawawala di ka nawili
Hindi mo ako masisisi
Kung ako sayo hindi rin mawiwili

Masyado na akong nagpanggap
Malalim na ang sugat
Ikaw aking pamagat
Kasama't kaakibat di parin naging sapat
Ano pa bang lunas ang dapat na pantapat?
Anong kailangang medisina?
Bat pagdating sayo ako ay nanghihina
Nauubos enerhiya, napatay na
Para bang kandila

Sindihan mo lang ulit
Para magka-ilaw ang daan na pusikit
Luha'y tumutuloy bang mata'y nakapikit
Dumapa, humiga, ramdam ko tinding sakit yeah

Ano ba ang iyong dala?
Bat kay hirap na makawala
Tayo lang dito dalawa
Tas ako ang nawawala

Masyado nang malayo
Pero wala paring nagbabago
Nasan na ang kandado?
Atin nang itigil baka mas magiba 'to
Di mo naintindihan
Sinagad mo pa't sinindihan
Ako yung nasa hulihan
Katawan ko'y pinagsilbihan

Ako'y laging nahuhulog
Agrabyado di pa makatulog
Ako'y laging nabibilog
Sa salita mo'y iyong napatulog

Masyado na akong nagpanggap
Malalim na ang sugat
Ikaw aking pamagat
Kasama't kaakibat di parin naging sapat
Ano pa bang lunas ang dapat na pantapat?
Anong kailangang medisina?
Bat pagdating sayo ako ay nanghihina
Nauubos enerhiya, napatay na
Para bang kandila

Sindihan mo lang ulit
Para magka-ilaw ang daan na pusikit
Luha'y tumutuloy bang mata'y nakapikit
Dumapa, humiga, ramdam ko tinding sakit



Credits
Writer(s): Jush Venn Kyle Bandola
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link