Esperanza (From the soap opera "Esperanza")

Saan ba aabot ang 'yong pangarap?
Ano'ng naghihintay sa 'yong bukas?
Sa buhay mo kaya'y may araw pa na sisikat
Upang tumanglaw sa iyong landas?

Karamay mo ngayo'y luha at hirap
Mayro'ng ligaya bang magaganap?
Pag-asa ay hindi tuluyan na magwawakas
Sasapit din ang tangi mong pangarap

Esperanza, kahit pa kay bigat
Ang pagsubok na nasa 'yong balikat
'Di maglalaon, araw mo ay sisikat
Katotohanan ang magaganap
Esperanza

Kayakap mo ngayo'y luha at hirap
Mayro'ng ligaya bang magaganap?
Pag-asa ay hindi tuluyan na magwawakas
Sasapit din ang tangi mong pangarap

Esperanza, kahit pa kay bigat
Ang pagsubok na nasa 'yong balikat
'Di maglalaon, araw mo ay sisikat
Katotohanan ang magaganap

Esperanza, kahit pa kay bigat
Ang pagsubok na nasa 'yong balikat
'Di maglalaon, araw mo ay sisikat
Katotohanan ang magaganap
Esperanza

Esperanza
Esperanza



Credits
Writer(s): Vehnee Venancio A Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link