Bipolar

Napahinto at natutula
Nang naisip kong hindi tayo magtatagal
Sadyang magkaiba ang
Takbo ng isip nating dalawa
Kaya't magandang tapusin na

Sinikap kong ayusin na ang lahat
Wag gawing ganito
Wag gawin ang ganyan
Para sayo, gagawin ang lahat ng ito
Pero bakit ganun?
Di ka parin masaya
Lahat na balewala

Biglang bumabalik
Sinong nagkamali
Wag tayong magturuan
Wala rin mangyayari

Aso at pusa, ganyan tayong dalawa
Mataas ka, at ako'y mababa
Para tayong mga bata na hindi nadadala
Papunta ka palang, pabalik na ako
Mga rason ko'y binabali mo

Oy! Mag-break na tayo!

Bago magmahal ng iba ay mahalin muna ang sarili
Para di masaktan sa huli
Sabi nila, walang mapapala
Kung isa lang ang nagbibigay sa inyong dalawa
Kaya't maraming salamat
Mata'y namulat

Biglang bumabalik
Sinong nagkamali
Wag tayong magturuan
Wala rin mangyayari

Aso at pusa, ganyan tayong dalawa
Mataas ka, at ako'y mababa
Para tayong mga bata na hindi nadadala
Papunta ka palang, pabalik na ako
Mga rason ko'y binabali mo

Ayaw ko na
Tinanong mo ba?
Ayaw ko
Ayaw mo
Ayoko na

Aso at pusa, ganyan tayong dalawa
Mataas ka, at ako'y mababa
Hindi na tayo mga bata na hindi nadadala
Papunta ka palang, pabalik na ako
Mga rason ko'y binabali mo

Mag-break na tayo!



Credits
Writer(s): Jayce Llaneta, Joseph Edmund Castillo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link