Kabiguang 'di Na Mababawi

Sa guhit ng palad, hanap ko'y ligayang
Sagot sa hinagpis ng kapalaran
Sana ay anurin ng mga pagtangis
Ang walang katapusang pagdurusa

Pag-ibig kung kanyang ituring ang pait sa pagtanggap
Ng kabiguang 'di na mababawi
Ng tinging walang hanggan, ano't walang tibok naman
Ang tubig-alat ay hindi tubig-tabang

Bakit ba kailangang bilugin ng tadhana?
Ano't mahirap huminga kung tayo ay malaya?

Pag-ibig kung kanyang ituring ang pait sa pagtanggap
Ng kabiguang 'di na mababawi
Ng tinging walang hanggan, ano't walang tibok naman
Ang tubig-alat

Mahanap ko kaya sa layo ng pinagtamnan?
Ba't sa ilalim pa ng karagatan?

Pag-ibig kung kanyang ituring ang pait sa pagtanggap
Ng kabiguang 'di na mababawi
Ng tinging walang hanggan, ano't walang tibok naman
Bakit kailangang

Pag-ibig kung kanyang ituring ang pait sa pagtanggap
Ng kabiguang 'di na mababawi
Ng tinging walang hanggan, ano't walang tibok naman?

Nabuhay siya't hindi napagbigyan man lang
Ang tubig-alat ay hindi tubig-tabang



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link