Lasingan

Eto na naman kame mag kakatabi sinusulit
Ang gabi habang lamesa namen ay may alak
Ang solid ng amats

Eto na naman kame mag kakatabi eh eh eh
Umaga hanggang gabe arat na uminom
Para masulit ang guhit ng amats

Mga pre kamusta na sa wakas ay nabuo
Napuno rin ang lamesang pinaikutan ng bangko
Halikat samahan mo ko sariwain natin to
Isa isa mong ikwento mga pinag daanan mo

Tama na muna ang tampuhan kapatid
Bagkus ang pag usapan kung paano ituwid
Eto alak pampa manhid sa lalamunan lalamig
Sabayan pa ng doobing hahatid ka sa himpapawid

Dahan dahan lamang habang
Tangan tangan ang ligaya
Takasan natin ang problema natin
Ang reyalidad na sobrang daya

Dito mo ibuhos ang problemang di mo kaya
Kase dito tayo tayo sama sama ang barkada
Habang nag iinuman nag aasaran nag kakantsawan
Nag kakantahan nag yayabangan nag iinggitan

Nag kulwentuhan
Nag dadramahan
Nag yayakapan
Nag iinglishan
Because im graduate

Eto na naman kame mag kakatabi sinusulit
Ang gabi habang lamesa namen ay may alak
Ang solid ng amats

Eto na naman kame mag kakatabi eh eh eh
Umaga hanggang gabe arat na uminom
Para masulit ng guhit ng amats

Yeah ilabas na ang lamesa baso yelo plato pitsel
Na may lamang serbesa tayo tayo ngayon
Mag lalabasan ng problema
Sa pamilya sa trabaho sa asawa at sa pera

At ang pulutan ay adobong baboy na may halong
Matapang na manok ng kapit bahay na panabong
Wag kayong matakot di ako nakita ni manong
Nung hinataw ko ng payong yung manok sa bandang palong

Pero maiba tayo kamusta na mga kumpare
Malamang may active padin dito sa pambababae
Itigil nyo na yan walang magandang mangyayare
Masisira lang imahe natin dyang mga lalake

Gayahin nyo ako ang tino tino kona
Di na ko nagloloko ang bait bait ko pa
Kung ayaw nyong maniwala mga pare sige tara
Pag tapos nating mag inom diretso tayo mag simba

Praise the lord

Eto na naman kame mag kakatabi sinusulit
Ang gabi habang lamesa namen ay may alak
Ang solid ng amats

Eto na naman kame mag kakatabi eh eh eh
Umaga hanggang gabe arat na uminom
Para masulit ang guhit ng amats

Eto na naman kame mag kakatabi sinusulit
Ang gabi habang lamesa namen ay may alak
Ang solid ng amats

Eto na naman kame mag kakatabi eh eh eh
Umaga hanggang gabe arat na uminom
Para masulit ang guhit ng amats



Credits
Writer(s): Cris Dichoso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link