Marshmallaw

Wag mong kalilimutan ang nakaraan
Kung pano ginahasa ang ating bayan
Wag tatanga tanga wag tatanga tanga

Kung pano pinaslang ang mga inosente
Pinag bintangan na sila daw ay rebelde
Wag kang padadala, sa mga salita

Para saan pang pag aaral mo
Kung mag papalinlang
Pruweba sa paligid mo
Wag kang mag dahilan

Kung mauulit muli
Muling mabibigo
Kung mauulit muli

Wag mong kalilimutan ang nakaraan
Mga bilyong ninakaw sa ating kaban
Wag kang mag tataka kung malaya man sila

Kung paano inabuso ang kapangyarihan
Daan daang sapatos at mga larawan
Ba't ka natatawa? 'Di to gawa-gawa

Para saan pang pag aaral mo
Kung mag papalinlang
Pruweba sa paligid mo
Wag kang mag dahilan

Kung mauulit muli
Muling mabibigo
Kung mauulit muli

At tulad ng isang bagyo
Na may nasalanta
At pinalad na sang tulad mo
Ngunit pano sila

Kung mauulit muli
Muling mabibigo
Kung mauulit muli
Muling mabibigo
Muling mabibigo
Muling mabibigo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link