DAAN

Buto nag umpisa ang aking kaalaman
Dahan dahan na tumubo hanggang sa magkahalaman
At mali kong nagawa sa aking nakaraan
Ay aking tinuldukan at nagsisilbing daan

Para sa kinabukasan ang sarili gabayan
Dahil merong hahadlang sa iyong lalakbayan
Masyadong matinik ang kapaligiran
Kailangan masugatan ito ang paraan

Makilala ang sarili at hindi nagpapanggap
Ang aking mga mali sa ngayon tinatanggap
Minsan nakong nawala sa daan na matuwid
Natatakot sa paligid ang hakbang ay tinipid

Napadpad narin ako sa mundo ng kawalan
Hinahanap ang sarili at aking natagpuan
Nasa sulok ng daan halatang kinabahan
Kontrolin kaisipan gawin mong kalmado yan

Masdan ang mundo at loob ay tanawin
Yayakapin ang sarili sa harap ng salamin
Alamin ang sagot sa problemang dumating
Ang mundo na mystero ay atin ng tuklasin

Masdan ang mundo at loob ay tanawin
Yayakapin ang sarili sa harap ng salamin
Alamin ang sagot sa problemang dumating
Ang mundo na mystero ay atin ng tuklasin

Titinahak ang landas na napili kung daanan
Matinik madulas masakit kahit bagalan
Paghakbang sa harapan meron ng nakaabang
Picaboo patibong sasalubong maanghang

Tapos eto nanaman merong tumatawag sakin
Na para akong si venom sinasabi niya saakin
Kailangan mong mapaso ang hapdi ay tanggapin
Mga aral nag babaga ang iyong haharapin

Dagat na malapot ang iyong lalanguyin
Bundok na patalim ang kailangan tawirin
Dipa dito ang wakas ito palang ay palabas
Baka bukas huling kita kita tayo sa wakas

Masdan ang mundo at loob ay tanawin
Yayakapin ang sarili sa harap ng salamin
Alamin ang sagot sa problemang dumating
Ang mundo na mystero ay atin ng tuklasin

Ikaw ang mundo na dapat mong mahalin
Ikaw ang sagot sa problemang dumating
Ikaw ang mysteryo na mahirap lutasin
Ikaw ang ikaw ang gusto mo ay gawin



Credits
Writer(s): Kianne Khen Bogay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link