Kuntento

Gising na umaga na naman
Almusal nasa harapan
May gagawin kaba mamaya?
O baka gusto mo lang mag pahinga

Sa dami ng iniisip
Damhin ang hangin sa kada ihip
Minsan nag tataka napapaisip
Reyalidad ba to o nakulong sa panaginip

Naka kulong,di maarawan
Para bang bugtong, di mo malaman
Ang sagot sa tanong di malinawan
Kasi paulit-ulit iginuhit ang larawan

Sa isip mo, oo sa isip mo
Iniisip mo rin ba yung iniisip ko?
'Di ka ba nag tataka o nalilito?
Kaya ka mag isa sinasarili mo yung sarili mo

Nag tataka 'bat di pumapasa
Sa dami ng suntok na tinamo,nagpapasa
Malalaman mo lahat kapag nag babasa
Pag umiyak ang langit katawang lupa,nababasa

Parang luha na pumapatak
Hindi sa galit kasi nagagalak
Sa mga bago na tinatahak
Baon baon mo ang pagkakamaling tumatatak

Kaya kung 'di mo pa nababatid
Mag hintay ka lng merong darating
'Wag kang maiinip oh aking kapatid
Sa tagumpay sarili mo lang ang mag hahatid

Wag kang maguluhan sa 'di makabuluhan
Hindi naman kayamanan ang kasagutan
Kung may mali sa iba wag mo ng patulan
'Di matutumbasan ang payapang kaisipan

Pasalamat ka kasi walang galit
Pasalamat ka kasi walang inggit
Pasalamat ka, kasi walang sakit
At magpasalamat ka na dumilat sa pagka pikit

Lahat ay tunay hindi imbento
Sawang sawa na din sa argumento
Isa lang to sa bilyong bilyong mga kwento
Ang pinaka malungkot na tao
Ay yung di kuntento...



Credits
Writer(s): Ac Tagayon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link