Noah

Di mapakali
Nag-iisa
Bintana ang kausap
Ganito nalang ba?
Di ko maiwasang malumbay
Walang hahawak saking kamay
Lang hiyang buhay
Palagi nalang makulimlim
Nagdidilim aking paningin
Diwa ay humiwalay
ang pag-awit ang nagiging tulay
Habang nag hihintay sa bukang liwayliway
(liwayliway)

Pero wag kang mawalan ng pag-asa
Dinig ko ang iyong problema
Yan ang sabi ng sarili
Pagkatapos ng ulan may bahaghari

Bigla nalang nag iba
Ang mundo na kay saya
Nawala na lahat
Kahit ang mekanismo ng pagkaya
Salungat sa aking pag-akalang
Masaya ang mag-isa
Bawat hakbang napakabigat
Sa bawat paglingon napaka hirap
Gumawa ng alaala sa ganitong systema
Masaya sa umpisa
Pero ayoko nang mag-isa

Pero wag kang mawalan ng pag-asa
Dinig ko ang iyong problema
Yan ang sabi ng sarili
Pagkatapos ng ulan may bahaghari

Pero wag kang mawalan ng pag-asa
Dinig ko ang iyong problema
Yan ang sabi ng sarili
Pagkatapos ng ulan may bahaghari
May bahaghari



Credits
Writer(s): Earl Andre Tejara
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link