Dulo Ng Pangarap

Kay tagal kitang hinihintay
'Di alam kung may mararating ba
Sa tadhanang kasing gulo nitong mundo
Nasaan na ba, Oh nasa'n ka?

Nagising at nangangamba na
Oras ko ay nalalanta na
Ang pagbuhos ng bawat luha kong ito
Nais lang na lumigaya

'Di na bale kung hindi ka na
'Di naman kasi mapipilit

Sa Dulo ng Pangarap na 'to
Iniwanang luhaan' sugatan
Ang Dulo ng Hangganang ito
Ay liwanag na 'di na makita

(Oh...)

Kay tagal akong umaasa
Mabigyan mo lang ng pag asa
Sa tahanang pinapangarap ng lahat
Nais lang na makasama

Sa Dulo ng Pangarap na 'to
Iniwanang luhaan' sugatan
Ang Dulo ng Hangganang ito
Ay liwanag na 'di na makita

Nais lang mapagbigyan
(Nais lang mapagbigyan)

Sa pangarap na hinding hindi ko kayang mawala

Sa Dulo ng Pangarap na 'to
Iniwanang luhaan' sugatan
Ang Dulo ng Hangganang ito
Ay liwanag na 'di na makita

"Narito na sa dulo ng bangin
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Kaya ipangako mo na lang saakin
Na hinding hindi mo ko lilimutin"



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link