Pananaw (Pride Na Yan)

Ganyan na ba talaga kataas ang pride mo?
Handang isugal ang lahat sa kayabangan mo
Nung minsan ba'y naisip mo ang pagtingin nila sa'yo
Oo nga pala wala ka ngang pake duon

Nagtatanong lang naman bakit ka nagkagano'n
Ang sagot mo saakin ang lahat ng nakaraan ko
Kapag binalik ko saiyo ang ginagawa mo
Pabalang ang sagot, Langhiya an'daya mo

Bakit ba ang sungit-sungit ng dating mo?
Bakit ba ang bitter ng bagong mindset mo?

Pride na yan

Ganyan na ba ang pagtingin sa sarili mo?
Angat sa lahat, Walang sino man ang may palag
Nung minsan ba'y naisip mo ang pagtingin nila sa'yo
Oo nga pala wala silang palag

Bakit ba ang sungit-sungit ng dating mo?
Bakit ba ang bitter ng bagong mindset mo?

Pride na yan

Bakit ba ang sungit-sungit ng dating mo?
Bakit ba ang bitter ng bagong mindset mo?
Bakit ba pilit ang panget na pananaw mo?

Pride na yan

Tama ba ang pagbabago?
Tama ba ang 'yong motibo?
Tama ba na makalimot?
Tama ba na iwan mo ko?

Tama bang ako'y awayin?
Tama bang sila'y awayin?
Tama bang gawing alipin?
Ba't 'di magawang aminin?

P'ano na pinagsamahan?
P'ano na ang kalagayan?
P'ano na kinabukasan?
P'ano na bawat tiwala?

Sana man lang nagpaalam
Sana man lang pinagbigyan
Sana man pinagusapan
Sana man lang napatawad



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link