Lagi nating Galingan

Bago nasabihang mahusay, kita nila kung paano ko 'to ginalingan
Kahit ano man ang sitwasyon
Tatanggapin ng buong puso't hahalikan
Ko pa, 'pagkat marami 'tong solusyon
Tatawanan ko na lang kaysa iiyakan
Naka-peace 'to, 'tol
Subukan mong pumendong
Babalik ka sa iyong pinanggagalingan
Biyaya ay inanakan
Humusay sa buhay dahil parating ginagalingan

Araw-araw ay ginagalingan
Kilos ng kilos parang pwet na sinisilaban
Ang mga oportunidad ay sinusunggaban
Sa paninira ay 'di na 'ko, hoy tinatalaban
(Alam n'yo na 'yan)
Ang opisina ko ay kalye
Sunog na ang balat sa kakalakad ko parati
Walang makakapigil dito saking pag-abante
Pamasahe ko'y pakikisama dito sakin byahe
Magkaroon ng laman ang bulsa
At dati rin akong batugan ang daming humusga
Wala daw 'tong mararating, ha ngayon kamusta
Tagumpay ko'y tagumpay ng bawat isang pumusta
Ngayon akala mo may tsapa ang pitaka
Sa sobrang kapal ng ina-aning pinagsaka
Naitatak sa utak at 'di sa puting pisara
Nagkaroon ng dahilan ang bawat gising sa umaga

Ginalingan
Kahit ano man ang sitwasyon
Tatanggapin ng buong puso't hahalikan
Ko pa, 'pagkat marami 'tong solusyon
Tatawanan ko na lang kaysa iiyakan
Naka-peace 'to, 'tol
Subukan mong pumendong
Babalik ka sa iyong pinanggagalingan
Biyaya ay inanakan
Humusay sa buhay dahil parating ginagalingan

Kung ambisyon mo malaki, kilusan mo ng mas marami
Suntok sa buwan, at least sinusubukan ko parati
Gagawin ko ang lahat hangga't makuha at madali
Magkatotoo ang mga imposible na mangyari
Doon tayo sa positibong paangat
'Wag na 'wag sa negatibong pabigat
Magka-value ang mga pinaghirapan mong lahat
Darating ang araw na hindi habang-buhay salat
Walang easy money dito, lahat pinagpaguran
Ramdam ko sa sarili minsan ay sinusubukan
Makakamit kaya hindi ko 'to sinusukuan
Gasolina ko'y tunog na kanilang pinupusuan
'Wag intindihin ang sinasabi nila
Ang pag-asenso ay sa'yo mismo mag-uumpisa
Tuloy mo lang at 'wag ka na nga mag-aalangan
Kaya nga lagi nating ginagalingan

Ginalingan
Kahit ano man ang sitwasyon
Tatanggapin ng buong puso't hahalikan
Ko pa, 'pagkat marami 'tong solusyon
Tatawanan ko na lang kaysa iiyakan
Naka-peace 'to, 'tol
Subukan mong pumendong
Babalik ka sa iyong pinanggagalingan
Biyaya ay inanakan
Humusay sa buhay dahil parating ginagalingan

Pinagdehado, gagalingan pa lalo
Isa ka ba sa madalas magreklamong maka-angat
Edi paano nasa iyo ang rekado ng buhay mo
Dito pa ko nagsisilbi na kakosa mo na parang si Mike
Kuya mo sa laro na parang si Syke
Naka-check parati sa'yo 'to na para bang Nike
Si CLR at si Kosa laging nangungumusta
Tagumpay natin 'to 'pagkat isa ka saming pumusta
Tara!

Kahit ano man ang sitwasyon
Solusyon

Ginalingan
Kahit ano man ang sitwasyon
Tatanggapin ng buong puso't hahalikan
Ko pa, 'pagkat marami 'tong solusyon
Tatawanan ko na lang kaysa iiyakan
Naka-peace 'to, 'tol
Subukan mong pumendong
Babalik ka sa iyong pinanggagalingan
Biyaya ay inanakan
Humusay sa buhay dahil parating ginagalingan

Kahit ano man ang sitwasyon
Tatanggapin ng buong puso't hahalikan
Ko pa, 'pagkat marami 'tong solusyon
Tatawanan ko na lang kaysa iiyakan
Naka-peace 'to, 'tol
Subukan mong pumendong
Babalik ka sa iyong pinanggagalingan
Biyaya ay inanakan
Humusay sa buhay dahil parating ginagalingan



Credits
Writer(s): Michael Castro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link