Sa'yo

Sumisilip sa ibabaw ng bintana
Mga mata'y kumakaliwa at kanan
Di alam kung anong magagawa
Para bumilis ang oras
Di nagtagal may dumating na dalaga
Ang akala ay naglalakad na grasya
Nang makita ay tuwang-tuwa
Aking pusong maligaya
Nang siya ay makilala
Parang 'di ko na kaya
Gusto kong mapakita sa kanya
Ang pagmamahal kong tunay
Aking ngang pinapangako
Na 'ko ay 'di magbabago
Hiling ko sana'y magkatotoo
Na ako'y maging sayo

Nang maghawak ang kamay
Namaalam ang lumbay
Sabay kislap ating mga mata
Sumisigaw ang puso ko
Nababahiran ng lugmok
Ngayo'y tumitibok para sayo

Isang ngiti mo lang
Ako ay sumisigla dahil sayo
Oo
Isang oo mo lang
Lahat ng pag-ibig ko'y sa iyo
Sa iyo

Di ko alam ang gagawin o di kaya ang aking sasabihin
Pero nais ko ngayon ay ikaw ay aking pakiligin
Sa gandang iyong taglay at sa mapanuri mong dangal
Di na 'ko magtataka ba't sayo ako'y napamahal
Nang 'kaw ay masilayan
Pilit mang tinatapakan
Mga lihim na pagdaramdam sayo
Nais ko sanang itago
Aking ngang pinapangako
Ang pagmamahal sayo
Hiling ko sana'y magkatotoo
Na maging ika't ako

Isang ngiti mo lang
Ako ay sumisigla dahil sayo
Oo
Isang oo mo lang
Lahat ng pag-ibig ko'y sa iyo
Sa iyo

Nang maghawak ang kamay
Namaalam ang lumbay
Sabay kislap ating mga mata
Sumisigaw ang puso ko
Nababahiran ng lugmok
Ngayo'y tumitibok para sayo

Isang ngiti mo lang
Ako ay sumisigla dahil sayo
Oo
Isang oo mo lang
Lahat ng pag-ibig ko'y sa iyo
Sa iyo



Credits
Writer(s): Gemer Matthew Largo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link