Ikaw Lang Ang Hinihintay

Pinipilit kong tibayan ang puso ko
Nahihiya pa ngang tumingin sa'yong mga mata
Pinipigil kong mahulog ang loob sa'yo
Pero walang kawala, natutulala
Kahit walang ginagawa ako'y nabighani na

Aking sinta, nararamdaman mo rin ba?
Tayo'y parang buwan at alon
Walang duda, ikaw lang ang hinihintay
Aking sinta, nararamdaman mo rin ba?
Kahit lumakad palayo
Walang dudang ikaw ang aking hinihintay

Hinuhulaan ko, pero lalo lang nalilito
Baliktarin man ating mundo
'Di palalampasin huling panahon, ohh

Aking sinta, nararamdaman mo rin ba?
Tayo'y parang gabi at araw
Walang dudang ikaw lang ang hinihintay
Aking sinta, nararamdaman mo rin bang
Kahit tumakbo palayo
Walang dudang ikaw lang ang hinihintay

Iaasa pa ba sa tadhana?
'Pag kapiling kita walang ibang nadarama
Iniibig kita
Noong una palang, mahal, ikaw lang ang hinihintay



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link