SULAT

Yo!

Gamit aking mga linya iguguhit ang kapalaran ko
Nang malakaran to ay itutuwid ang daraanan don
Sa'n man hahantong sinusulit ang pagkakataon
Kung magwawala lang, naku! Mawawalan lang ako...
Walang agarang takbo papunta sa taas at tuktok
Kaya lalakasan ko bago pakawalan ang suntok
Sa buwan man yan eh wala nang pake kung mabigo
May araw na para saken wala ren tong paghinto
Suot sariling sapatos, aabot
Ako dun sa napiling daan kung malayo
Kaya ng sarili na alon at agos
Walang makapigil malabong matapos
Pagmamahal sa sining wala lang yung pagod kung
Bawat sasabihin ay tatatak tugma ko, yun
ANG MGA TALATA NA NAKATALA NA
NAKAKAMANGHA TALAGA PAGKA-
NAGTATANGHAL NA SA HARAPAN
AT NAAALALA NAKAKAGANA!

Sulat ko ang tunay na patunay ako to!
Nakatatak, nakabaon! Mapahukay man ako!
Mananatili natala at nilikha ko sa mundo
May bakas at 'di mamamatay hanggang buhay pa to!

Sulat ko ang tunay na patunay ako to!
Nakatatak, nakabaon! Mapahukay man ako!
Mananatili natala at nilikha ko sa mundo
May bakas at 'di mamamatay hanggang buhay pa to!!
AGH!

Pinuyat, kinayod, sinulat, inarok
Sinuka, tinapon, kinuha't inabot
Binnura din halos hinulma't binaon
Sinukat, binago, binuga't kinapos
Pa ulit-ulit punit nang punit ng mga pahina
Nasulit ko rin nung 'di na muli lang na nagdahilan
Ginuhit lang inukit nang mabuo na ang likha
Tinuligsa't pinuri man gawa ko yon basta isang
Daan ang binuhos, lahat ay sinubok
Dala ang tinuro sa bawat segundo
Pinapagana ang utak tinulak nang todo sarili ko
Nilalahad sa sulat may sugat man to nung naliliko
Ginagapang lang muna lito man magulo man pilit kong
Sinasagad sa ruta dito mas nahubog ang liriko
'Di ito lamang ang kakalagyan oh
Malamang kakalag lang noh?!
Sa mga bara tara bagong kabanata to!

Sulat ko ang tunay na patunay ako to!
Nakatatak, nakabaon! Mapahukay man ako!
Mananatili natala at nilikha ko sa mundo
May bakas at 'di mamamatay hanggang buhay pa to!

Sulat ko ang tunay na patunay ako to!
Nakatatak, nakabaon! Mapahukay man ako!
Mananatili natala at nilikha ko sa mundo
May bakas at 'di mamamatay hanggang buhay pa to!

AGH!

Sulat ko ang tunay na patunay ako to!
Nakatatak, nakabaon! Mapahukay man ako!
Mananatili natala at nilikha ko sa mundo
May bakas at 'di mamamatay hanggang buhay pa to!

SULAT KO ANG TUNAY NA PATUNAY AKO TO!
NAKATATAK, NAKABAON! MAPAHUKAY MAN AKO!
MANANATILI NATALA AT NILIKHA KO SA MUNDO
MAY BAKAS AT 'DI MAMAMATAY HANGGANG BUHAY PA TO!

AGH!



Credits
Writer(s): Neill Phoebe Fabrigar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link