Tambalan

Oh... hmmn... yay

Sadyang nakapagtataka
Pag naglaro ang tadhana
Wala ka nang magagawa
Wala ka nang magagawa

Pano nga ba nagsimula?
Hindi naman sinasadya
Napasulyap na lang bigla
Natulala

Hanggang sa dumating
Na ang hinihiling
Ang pagkakataon
Para sa atin

Biglang nabuo ang tambalang ito
Di ko inakalang ganito

Hey!
Akalain mo nga naman?
Tayo palang dalawa
Ang magbabago
Ng takbo ng mundo
Bagay raw tayo
Lahat ay may gustong
Magkatotoo na to
Di lang nila alam ang puso ko'y
Nagtatanong na rin
Kung pwede na bang totohanin na?
Pagkat di ko na ililihim pa
Mahal na yata kita

Bawat problemang hinaharap
Ay kaya nating dalawa
Basta't tayo'y magkasama
Walang makakapigil pa

Ngunit nang aking matanto
Bahagi lang ng storya to
Dapat ko bang pigilan ang damdamin ko?
Para hindi ako mahulog sa iyo
Pagkat lahat ng ito'y maaaring di totoo

Puso mo rin ba'y may nararamdaman
Bakit di natin subukan?

Akalain mo nga naman?
Tayo palang dalawa
Ang magbabago
Ng takbo ng mundo
Bagay raw tayo
Lahat ay may gustong
Magkatotoo na to
Di lang nila alam ang puso ko'y
Nagtatanong na rin
Kung pwede na bang totohanin na?
Pagkat di ko na ililihim pa
Mahal na yata kita

Wag na sanang pigilin pa
Ang damdamin sa isa't isa
Ituloy na natin ang istorya
At di na kailangang magkunwari pa

Akalain mo nga naman?
Tayo palang dalawa
Ang magbabago
Ng takbo ng mundo
Bagay raw tayo
Lahat ay may gustong
Magkatotoo na to
Di lang nila alam ang puso ko'y
Nagtatanong na rin
Kung pwede na bang totohanin na?
Pagkat di ko na ililihim pa
At hindi na mapipigil pa
At wala nang magagawa
Mahal na yata kita



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link