Rehas

Naririnig mo ba ang mga ingay sa paligid mo
Di ka ba naririndi sa mga nagbubulong-bulungan
At nagsisigawan na mga taong bukambibig ay makalaya
Kailan mo balak na magsalita?
Mananahimik ka na lang ba habambuhay?
Oras na lang at malalaman na ng lahat ang katotohanan
Wag kang kumapit sa rehas ng kalupitan at magulong sistema
Itigil na ang karahasan
Ipaglaban ang karapatan
O, anong tinitingin-tingin mo dyan
Wala ka bang magagawa kundi ang tumunganga at matakot sa kanila
O, wala ka bang ibang sasabihin para mabigyan na ng kasagutan
Ang lahat ng tanong na naglalaro sa iyong isipan
Wag kang kumapit sa rehas ng kalupitan at magulong sistema
Itigil na ang karahasan
Ipaglaban ang karapatan
Pumiglas sa mga kamay ng mga makapangyarihan
Wag kang kumapit sa rehas ng kalupitan at magulong sistema
Itigil na ang karahasan
Ipaglaban ang karapatan
Panahon na para lumaban
Sarili ay malaya na
Malaya, malaya, malaya
Wag kang kumapit sa rehas ng kalupitan at magulong sistema
Itigil na ang karahasan
Ipaglaban ang karapatan



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link