La Lluvia (feat. PLAN B & Sur Henyo)

Sa lakas ng alon, ang baon mo lagi
Ay panalanging makaahon sa hamon ng buhay
May angking taglay kang tinatago sa pagiging tao
Ano man ang mga ginawa mo
Sumasalamin, tatanawin din 'yan ng iba, 'di malabo
Dito sa mundo na puno ng mga mata
Oo, kakaiba kasi nga puro puna
Pero 'wag kang papadala sa mga negatibo
Suklian pa rin ng matamis na ngiti mo
Oo, mismo, 'yan lang ibalik mo

Mula nang makita ko
Ang isang liwanag na mula sa kalangitan
Nahawi ang mga ulap
Tumigil ang malakas na pagbuhos ng ulan

Ngayong nakita ko ang anghel na 'to
Nagmula sa kalangitan (kalangitan)
Binigay ng mga ulap ang pag-asang
Matatapos din ang buhos ng ulan (ng ulan)
Kala ko nga nu'ng una ay natapos na
Dahil sa lakas ng bagyo na dumaan (dumadaan)
'Yun pala lang ang simula ng pahina
Kung bakit ako ay iyong nilalang

Sa maputik na daan ay mahirap iangat
Ni isang paa sa paglakad, pagsipagan mo
Ang sa kada paabante mong hakbang
Natapos ang isang mahirap na hangin at buhos ng ulan
Minsan ang sagot sa maikli mo na tanong
Na pa'no kakayanin, madali ba kung ituloy

'Di mo ba naisip na dapat ay sa minsan, manahimik ka
'Di na kailangan malaman nila ang mga plano mo na inihanda
'Wag mong palipasin ang apoy na s'yang liwanag sa dilim
At pampabaga ng paligid kung ika'y lalamigin
Kung para kang nakukulangan ng lakas ng loob
Ang bakas sa noon mo'y tagumpay na buo

Malamang ay 'di ka na din magising sa tuwa
Sapagkat sinasarili mo ang 'yung mga dinadaing
Sa tuwing iyong nadarama
Ay para ding patalim na sa 'yo inamba
'Wag na wag ka diyang mag-alinlangan
Sapagkat 'yang unos ay tatawid lamang
Upang malinisan ang daan mong lalakaran
Araw na magsasabi sa iyo na ngiti lang

Papalamon ba sa takot? Ang sagot diyan, "'Di rin"
Dating purgatoryo naging Garden of Eden
'Di man aminin, 'lika silipin
Ramdam mo na ba sa lungkot 'di ka alipin?
Kung pinapadapa, sinasalanta
Kinawawa ng dinadarama
Ngayon, alam mo nang ito ay 'di na drama pa
Sikat ng araw, dama mong niyayakap ka

Mula nang makita ko
Ang isang liwanag na mula sa kalangitan
Nahawi ang mga ulap
Tumigil ang malakas na pagbuhos ng ulan

Ngayong nakita ko ang anghel na 'to
Nagmula sa kalangitan (kalangitan)
Binigay ng mga ulap ang pag-asang
Matatapos din ang buhos ng ulan (ng ulan)
Kala ko nga nu'ng una ay natapos na
Dahil sa lakas ng bagyo na dumaan (dumadaan)
'Yun pala lang ang simula ng pahina
Kung bakit ako ay iyong nilalang

Madalas ay madilim
At laging ang langit ay makulimlim, hey
Ang liwanag ay hirap mahagilap
Sa tuwing may ulan na paparating
Ang tangi kong nais ay dumating din
Ang panibagong araw na kayang masipat
At tuluyan nang sumikat

Sa ngayon ay aabangan muna
Ang pagtila 'tsaka paghupa
Hahayaan na lang kusang sumabay
Sa pagpatak ang luha
Mabilis din lang umalis
Kahit na paulit-ulit dumating ay 'di na bale
Dahil ganito lang ibigay ng ulap
Pakiusap ko sa langit

Gusto ko lamang naman na malaman mo
Kahit sa ulan pa o mga bagyo ang dumating sa 'yo
Higpitan ang hawak mo
Kahit na napapadalas ang mga negatibo
Suklian pa rin ng matamis na ngiti mo
Oo, mismo, 'yun lang ibalik mo

Ngayon ay nalaman ko kung bakit ako ay pinanganak
Kaso nga lang ang daming rason sa mundo
Bukod sa mga biyayang hiniling
Mangyayari pa rin mga bagay kahit 'di mo 'to ginusto
Bukod sa papel na mundo
Kaya ka ring palutangin ng itim na tukso
Dadalhin ka sa pinakamataas hanggang sa 'di makatakas
Hanggang tuluyan kang 'di makalukso

Ngayon ay nalaman ko dahil 'yan sa ngalan mo
Na bukod tangi na kakaiba
Pamula ng ginawaran mo 'ko ng talentong para sa 'kin
Kaya nga po ito iningatan ko
Dati, hindi nakinig
Pero ngayon ay nagtiwalang muli

Mula nang makita ko
Ang isang liwanag na mula sa kalangitan (kalangitan)
Nahawi ang mga ulap
Tumigil ang malakas na pagbuhos ng ulan (whoa, oh, oh)

Ngayong nakita ko ang anghel na 'to
Nagmula sa kalangitan (kalangitan)
Binigay ng mga ulap ang pag-asang
Matatapos din ang buhos ng ulan (ng ulan)
Kala ko nga nu'ng una ay natapos na
Dahil sa lakas ng bagyo na dumaan (dumadaan)
'Yun pala lang ang simula ng pahina
Kung bakit ako ay iyong nilalang (yeah)

Ngayong nakita ko ang anghel na 'to
Nagmula sa kalangitan (kalangitan)
Binigay ng mga ulap ang pag-asang
Matatapos din ang buhos ng ulan (ng ulan)
Kala ko nga nu'ng una ay natapos na
Dahil sa lakas ng bagyo na dumaan (dumadaan)
'Yun pala lang ang simula ng pahina
Kung bakit ako ay iyong nilalang (yeah, yeah)



Credits
Writer(s): Kier Of Plan B, Ren, Skyruz Of Plan B, Sur Henyo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link