Balang Araw

Kung nasan ka man
'Wag kang mag-alala tuwina
Wala ka man sa 'king tabi ako'y masaya
Aking hihintayin muli nating pagkikita
Ngunit sa ngayo'y sarili ko muna
'Di man tangan ang iyong kamay
Sa agos patuloy na sasabay
At ngayon na wala kana
Sarili'y mas mamahalin pa

Malaya ka na
Malaya na tayong dalawa
'Di na masasaktan
Ang pusong nagmamahal
Ngunit lubos na umaasa na balang araw
Sa pagpikit ng aking mata'y muli kang makasama

'Di man ngayon
Kung kailan balak ng panahon
Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin
Aking tangan tuwina ang mga ala-ala
Ng kahapong kay tamis at kay saya
'Di man tangan ang iyong kamay
Sa agos patuloy na sasabay
At ngayon na wala ka na
Sarili'y mas mamahalin pa

Malaya ka na
Malaya na tayong dalawa
'Di na masasaktan
Ang pusong nagmamahal
Ngunit lubos na umaasa na balang araw
Sa pagpikit ng aking mata'y muli kang makasama (muli kang makasama)
Muli kang makasama

'Di man ngayon
Kung kailan balak ng panahon
Lubos na aasa na balang araw
Muli kang makasama



Credits
Writer(s): Angelo Garcia
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link