Alon

Malalim na ang gabi ngunit di mapakali
Sa kakahanap ng sagot, naliligaw na pauwi
Iniisip ang paraang mas madali

Madalang ng dalawin ng antok
Mas madalas pang dumalaw ang lungkot
Ang hirap din pala na mag habol
Sa mga pangarap kong hindi ko maabot

Ang dami kong tanong na nag lalaro sa isip
Baka pwede bang mag pahinga muna saglit
Ilang beses ng bumangon sa aking pagka sablay
May patu-tunguhan ba ko sa aking paglalakbay
Sasabay na lang ba sa agos, sasabay na lang ba sa alon

Paano kung hindi na mag wagi?
Makukuha pa kaya na ngumiti?
Balisa kung anong iniisip ng marami
Kaya't itatago na lang saking sarili

Madalang ng dalawin ng antok
Mas madalas pang dumalaw ang lungkot
Ang hirap din pala na mag habol
Sa mga pangarap kong hindi ko maabot

Ang dami kong tanong na nag lalaro sa isip
Baka pwede bang mag pahinga muna saglit
Ilang beses ng bumangon sa aking pagka sablay
May patutunguhan ba ko sa aking paglalakbay
Sasabay na lang ba sa agos, sasabay na lang ba sa alon



Credits
Writer(s): Jezreel Eraya
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link