Kapag Tama Na Ang Mali

Yakap na patago
Sa ilalim ng bulag na buwan
Halik na napakatamis
Ngunit puno ng pangamba

Mamahalin pa rin kita
Mamahalin pa rin kita

Lumulukso ang aking puso
Paningin sa isa't isa'y nakapako
Sa tuwing kamay mo sa 'kin ay darapo
Lahat ng takot ko'y naglalaho

Sulitin ang nakaw na sandali
Kahit ako'y 'di mo tangi
Bukas isiping ito'y mali
'Pagkat ligaya'y 'di maikubli

Mamahalin parin kita
Mamahalin parin kita

Lumulukso ang aking puso
Paningin sa isa't isa'y nakapako
Sa tuwing kamay mo sa'kin ay darapo
Lahat ng takot ko'y naglalaho

Ulitin natin
Ulitin natin
Ulitin natin
Kapag tama na ang mali

Lahat ng ito'y panandalian
Dahil katotohana'y 'di matatakasan
Ga'no man ipilit sa sariling tayo'y nagmamahalan
'Di sapat na dahilan ang ating nararamdaman

Ulitin natin
Ulitin natin
Ulitin natin
Kapag tama na
Tama na ang mali



Credits
Writer(s): Leonard Brian Manansala, Richard Dominique Gozum, Rommel Gozum
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link