Divine

Bituing maningning sa madilim na mundo ko

Kulay-pilak na ulap ang lumulutang sa aking ulo
Unti-unting tumutulo ang ulan
Akala ko ay mayroong masisilungan
Ito'y sumusunod sa'kin kahit saan
Kahit kailan, ako pala'y mag-isa lang
Lumalakad nitong daan

May umilaw sa langit
Napatigil ako saglit
At tumingin ka sa akin

Bituing maningning sa madilim na mundo ko
Muling marinig ang mga himig ko sa'yo

Sumisisid sa gitna ng mga alon
Malalakas na hampas
Ang tila sumasalubong sa akin
Minsan ako'y nagtataka
Ang pag-asa'y nariyan pa ba?
'Di bale na lang kung saan mapadpad
Kung pwede lang sanang makakalipad

May umilaw sa langit
Napatigil ako saglit
At tumingin ka sa akin

Bituing maningning sa madilim na mundo ko
Muling marinig ang mga himig ko sa'yo

Bituing maningning sa madilim na mundo ko
Muling marinig ang bawat pintig ng puso ko

Sa iyong pagdating sa panaginip kong ito
Ika'y mamahalin ng mahimbing sa piling ko

Sa iyong pagdating sa panaginip kong ito
Ika'y mamahalin ng mahimbing sa piling ko



Credits
Writer(s): Joeric Delarmente
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link