Di Umiinom

Iinom ako hanggang sa malunod
Malunod sa lungkot

Hindi ako (wala akong hilig sa mga 'yan, oy)
Natuto ng kahit anong bisyo (para sa 'yo)
Ang nais ko (ikaw ang laging kasama ko sa laboy)
Maging karapat-dapat sa iyo

Walang barkada ('di lumalabas kahit na may yumaya)
Buong akala (ang ginagawa ko lamang ay tama)

Walang yosi, walang inom
Walang sugal, 'di pa rin tayo nagtagal
Walang kasing hangal pa rin, tatanggapin
Pero bago 'yan, gusto ko muna maglasing, tagay

'Tagay mo lang alak sa 'king harapan
Kahit na ano pa 'yan, dahil ang puso ko'y nasaktan
Laging tanong, bakit laging paurong?
Lasingin n'yo 'ko ngayon kahit 'di ako umiinom

Matagal ko nang itinigil (ah, tigil ang aking pagtotoma)
Simula no'ng malaman kong ikaw ay nanggigigil (ah, gigil sa lalaking nakatoga)
Inayos ko ang buhay ko para sa 'yo
'Yong tipong walang dahilan para iwanan mo
Iniwasan ko ora mismo 'yong mga bagay na ayaw mo

Habang nagagawa mo kung ano ang gusto mo
'Di ba 'yon ang gusto mo na maipon nang maipon
Ang sama ng loob ko tapos magmala-King Kong?
Pero pinili ko na lang na tumikom
Imbes makipagsigawan, dinaan sa sipol

Kahit masakit (uh) na masakit (uh)
'Di ko na maramdaman, baka puwedeng papitik?
Manhid (uh) na manhid na ako (uh)
Nakailan na ba tayo? Walang titigil, kaya sige

'Tagay mo lang alak sa 'king harapan ('tagay mo lang)
Kahit na ano pa iyan dahil ang puso ko'y nasaktan
Laging tanong, bakit laging paurong?
Lasingin n'yo 'ko ngayon kahit 'di ako umiinom

'Tagay mo lang alak sa 'king harapan (tagay, sige tagay, sige tagay, sige tagay)
Kahit na ano pa 'yan dahil ang puso ko'y nasaktan (sige tagay, sige tagay, sige tagay, sige tagay)
Laging tanong, bakit laging paurong?
Lasingin n'yo 'ko ngayon kahit 'di ako umiinom

Walang barkada ('di lumalabas kahit na may yumaya)
Buong akala (ang ginagawa ko lamang ay tama)

Walang yosi, walang inom
Walang sugal, 'di pa rin tayo nagtagal
Walang kasing hangal pa rin, tatanggapin
Pero bago 'yan, gusto ko muna maglasing, tagay

'Tagay mo lang alak sa 'king harapan
Kahit na ano pa 'yan dahil ang puso ko'y nasaktan
Laging tanong, bakit laging paurong?
Lasingin n'yo 'ko ngayon kahit 'di ako umiinom

Iinom ako hanggang sa malunod
Malunod sa lungkot

Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link