Eroplano

Eroplanong dumaan sa buwan
Kasama ka't 'yun ang tinitingnan
Nakapikit habang kayakap ka
Sa 'king gabi, parang nasa langit na

Eroplanong dumaan sa buwan (dumaan sa buwan)
Gabing hindi ko malilimutan
Ang 'yong mga mata'y (ang 'yong mga mata)
Palagi sa 'ki'y umaalala

Patuloy iniisip ka (iniisip ka)
Patuloy iniisip ka

Akala ko'y sa akin ka
Pupunta ngunit 'di pala
Akala ko'y sa akin ka
'Di ko namalayan, daraan lang pala

Eroplanong padaan-daan (padaan-daan)
Matamaan, huwag masasaktan
Liwanag sa paligid ng buwan
Tinutukso hanggang mahulog sa daan

Akala ko, sa 'yo 'ko babagsak (sa 'yo 'ko babagsak)
Parang lasing, ika'y mapagpanggap
Ang 'yong mga mata'y ('yong mga mata)
Ngayo'y sa aki'y 'di na makita

Patuloy iniisip ka (iniisip ka)
Patuloy iniisip ka

Akala ko'y sa akin ka
Pupunta ngunit 'di pala
Akala ko'y sa akin ka
'Di ko namalayan, daraan lang pala

Akala ko'y sa akin ka
Daraan ka lang pala
Hindi alam sa'n pupunta (hindi alam sa'n pupunta)
Eroplanong mapanakit sa pagsinta

Eroplano, eroplano
Eroplano, eroplano



Credits
Writer(s): Ariver Vincent Alcantara
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link