Gintong Oras

Ihip ng hangin, taglay ay ang lihim ng bukas
Habulin ang ilaw na bakas ng kahapon
Mababalik ba muli ang bago ng wakas o kanlungan na ligtas? Oh

Sa gintong oras, hahayaang lumipas
Sa gabing 'di makatakas
Ang sol na kumupas, 'di kilala ang bukas

Kawalan ng damdamin, ilulunod sa dilim na ngayon at
Hayaan 'tong pusong hindi lutas sa mga alon
Matatanaw ba muli ang kislap kong paningin o tila piling? Oh, oh

Sa gintong oras, hahayaang lumipas
Sa gabing 'di makatakas
Ang sol na kumupas, 'di kilala ang bukas

Paano sasabihin na 'di kayang palipasin?
Sa dilim ba'y hahabulin ang mawawala sa 'kin?
O ang buwan ba'y titingin nang may bagong awitin?

Sa gintong oras, siya na ay lumipas
Tungo sa gabing ligtas
Mahaba pa bukas, oh, gintong oras



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link