Kay Luna

Ikaw ang nagliliwanag
Ng aking daigdig
Sa tuwing mundo'y nagdidilim

Sinisindi ng 'yong tingin
Ang buong kalawakan
Humahanga sayo ang mga bituin

Luna
Puwede bang dito ka muna
Luna
Nais kitang makita

Hintaying gumising ang araw
Bago ka mawala

Ikaw ang huling piraso
Sa naghihinagpis kong paraiso
Umaawit ang buong mundo para sayo

Kahit na ang daigdig ng langit at lupa
Ay pagtagpi-tagpiin
Mananatili bihag sa 'yong pagtingin

Luna
Puwede bang dito ka muna
Luna
Nais kitang makita

Ayos lang naman saking
Masdan ka mula sa malayo
Basta't alam kong
Di ka maglalaho
Kahit gaano ka pa kalayo
Tatapak ako sa mga ulap makarating lang sayo



Credits
Writer(s): Kaiser Cortina
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link