Bagong Kanlungan

Dala pa ng hangin
Ang alaalang nasa 'yong tabi
Sa bawat gabi
Nagpapa-dala lang ba sa takot
Na hindi masasagip
At maiwan ulit

Oh, araw araw hahanapin
Ang sagot sa aking panalangin

Kailangan ba lagi nalang lilisan
Kailangan bang umiwas bago masaktan
Oh, ikaw ang pinangarap kong kapalaran
Oh, sana ikaw nalang
Ang aking kanlungan

Sa'king isip
Oh, paano bitawan
Ang bawat oras na ikaw ay pinili
Sa'n na uuwi

Oh, araw araw hahanapin
Ang sagot sa aking panalangin

Kailangan ba lagi nalang lilisan
Kailangan bang umiwas bago masaktan
Oh, ikaw ang pinangarap kong kapalaran
Oh, sana ikaw nalang
Ang aking kanlungan

Ang aking kanlungan
Ika'y pasasalamatan
At naging takbuhan
Kahit panandalian

Balang araw, hindi na 'ko lilisan
At balang araw, aking maiintindihan
Lahat ng sakripisyo mo'y may kahulugan
At nasa 'yong harapan
Ang bagong kanlungan
Ang bagong kanlungan



Credits
Writer(s): Ephraim James De Perio, Jason Marvin Hernandez, Moira Dela Torre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link