Madali

Kailangan bang magmadali?
Kahit pa man agad ka nang makakarating
Kulang-kulang naman ang mga sandali
Sandali, sandali

Kapit ka lang d'yan
Darating rin yan

Pagod ka na ba? Kasi pagod na ako
Makipag-unahan sa iba't ibang tao
Pagod ka na ba? Kasi pagod na ako
Pahinga lang naman, tutuloy pa rin tayo

Kailangan bang magmadali?
Kahit pa man agad ka nang makakarating
Kulang-kulang naman ang mga sandali
Sandali, sandali

'Di na baling matagal ang biyahe basta solid (solid)
Kayod 24, parang Kobe (Kobe)
Makipagpagalingan pa ay no need (no need)
Dahan-dahan lang at sobrang lowkey (lowkey)
Na magka-trophy, yeah, yeah

Matarik pa pala'ng lalakarin
Makakarating din d'yan
Paraiso pagka nakamit natin
Sabik na 'kong matikman
Umulan man ay laging kapalit bahaghari
Ba't ba nagmamadali, oh
Pwede bang humingang malalim?

At relax ka lang (relax ka lang)
Langhapin ang sariwang hangin, 'wag mo nang isipin
Mahirap, okay lang kaya? (Okay lang kaya)
Dahan-dahanin mo lang, araw-araw dumadali
Humingang malalim at relax ka lang (relax ka lang)
Langhapin ang sariwang hangin, 'wag mo nang isipin
Mahirap, okay lang kaya? (Okay lang kaya)
Dahan-dahanin mo lang, araw-araw dumadali

Kailangan bang magmadali? (Sa biyahe, biyahe)
Kahit pa man agad ka nang makakarating
Kulang-kulang naman ang mga sandali
Sandali, sandali

Sana ay bukas paglitaw ng araw
Wala nang kaagaw sa liwanag ng ilaw (kailangan)
Sana ay bukas paglitaw ng araw
Wala nang kaagaw sa liwanag ng ilaw (kailangan)

Tama na, bakit ba kahit pa hanggang ngayon
Iniisip ang problema na wala sa panahon? (Kailangan, kailangan)
Tulala na lang ba 'ko, habang-buhay nakakulong?
Kaya ko nga naman tinatanong

Kailangan bang mag madali?
Kahit pa man agad ka nang makakarating
(Kailangan bang mag madali) kulang-kulang naman ang mga sandali
Sandali, sandali



Credits
Writer(s): Pio Antonio Benitez Dumayas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link