Sana

'Di ko inaasahan na biglang makilala ka
At sa unang tingin ko pa lang, ako'y nahulog na
'Di mapigilan ang kilig sa t'wing ika'y ngumingiti
At para bang puso'y titigil 'pag nakakasama ka

May mga pahiwatig na sa 'yo, ba't 'di napapansin?
Ilang beses mo na rin akong nahuli na nakatingin
'Di na 'ko mapakali dahil ako'y nasasabik
Na maging katotohanan ang dating panaginip lang

Sabihin mo na nang 'di na kailangan pang
Pilitin ang sarili sa baka sakali
Ayaw kong manatili na lang tayo
Sa sana, sana, sana

Sayang naman kung 'di natin pagbibigyan
Kung pareho naman ang nararamdaman
Ayaw kong manatili na lang tayo
Sa sana, sana, sana

Saan nga ba dadalhin
Ng lihim na pagtingin? Oh
Ayokong pangunahan ka pero 'di ko rin gustong pinapaasa
Bakit parang iba'ng sinasabi ng iyong mga mata?

Sabihin mo na nang 'di na kailangan pang
Pilitin ang sarili sa baka sakali
Ayaw kong manatili na lang tayo
Sa sana, sana, sana

Sayang naman kung 'di natin pagbibigyan
Kung pareho naman ang nararamdaman
Ayaw kong manatili na lang tayo
Sa sana, sana, sana

Kung una bang aamin
Mayro'n bang patutunguhan ang damdamin?
Sana matapos na ang sana
Wala namang ibang hahadlang

Kung sasabihin, ba't 'di aminin?
Kung sasabihin, ba't 'di aminin?
Kung sasabihin mo lang

Sabihin mo na nang 'di na kailangan pang
Pigilan ang sariling magbaka-sakali
Ayaw kong manatili na lang tayo
Sa sana, sana, sana

Sayang naman kung 'di natin pagbibigyan
Kung pareho naman ang nararamdaman
Ayaw kong manatili na lang tayo
Sa sana, sana, sana

Sabihin mo na nang 'di na kailangan pang
Pilitin ang sarili sa baka sakali
Ayaw kong manatili na lang tayo
Sa sana, sana, sana

Sayang naman kung 'di natin pagbibigyan
Kung pareho naman ang nararamdaman
Ayaw kong manatili na lang tayo
Sa sana, sana, sana

Kung sasabihin, ba't 'di aminin?
Kung sasabihin, ba't 'di aminin?



Credits
Writer(s): Sean Cedro, Nicole Macapagal
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link