Malabo

Kamusta ka na?
Alam kong ako'y huli na
Sa tagal ding hindi nagkita
Sana ikaw ay masaya
Alam kong marami akong
Pagkukulang sayo
Inaamin kong nakakalimot din ako
Pero sana naman, pagbigyan mo ako
Ito ang tanging hiling ko

Pagka't lumabo, oh lumabo
Na ang pintadong litrato nating dalawa
Minahal kita sa kung sino ka
Ngunit pagmamahal sa sarili'y tila wala

Hindi ka nag iisa
Kaibigan, Kagrupo diba?
Sana agad ko ring nakita
Pero sarili'y halos hindi na rin mabasa

Pagkat Malabo, oh Lumabo
Na ang pintadong litrato nating dalawa
Minahal kita sa kung sino ka
Ngunit nakalimutan na, pagmamahal sa sarili
Ako ay nawawala

Pagkat burado, oh burado
Na ang pintadong litrato nating dalawa
Minahal kita sa kung sino ka
Minahal kita (Minahal kita)
O Minahal kita (Kay tagal tagal)
Minahal kitang talaga



Credits
Writer(s): David Payumo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link