Hanggang Wala Nang Bituin

Hindi mo ba naiintindihan, aking sinta?
Nahuhulog ako sa iyong kayumangging mata
Isang larawang walang kapantay sa kagandahan
Oh paraluman, kung sana makita mo lang
Ang karilagan mong nagbibigay sa akin hanga
Tanging nais ko lang, makapiling ka
Hanggang sa walang hanggan

Hawak ka lang, oh hirang, sa akin
Sa bawat indak at yapak natin
Sumabay ka lang sa pintig
Ng tugtuging para lamang sa atin
Ang kalawakan iyong limutin
Wala nang iba malibang sa iyo't sa akin
Isasayaw kita hanggang wala nang bituin

Buong buhay ko naghihintay at nagdadasal
Para sa kasintahang ganap sa pagmamahal
At ikaw ang anghel na bumaba mula sa kalangitan
Yumakap ta'yo sa kama hanggang tanghalian
Pasyal lang ta'yo sa tabi ng karagatan
Puso, kamay, buhay lahat sa iyo'y ibibigay

Hawak ka lang, oh hirang, sa akin
Sa bawat indak at yapak natin
Sumabay ka lang sa pintig
Ng tugtuging para lamang sa atin
Ang kalawakan iyong limutin
Wala nang iba malibang sa iyo't sa akin
Isasayaw kita hanggang wala nang bituin

Oh giliw ko, oh ligaya ko
Balewala ang bituin sa ningning
Mong nagbibigay ligaya sa akin

Hawak ka lang, oh hirang, sa akin
At ikaw ang tanging mamahalin

Hawak ka lang, oh hirang, sa akin
Sa bawat indak at yapak natin
Sumabay ka lang sa pintig
Ng tugtuging para lamang sa atin
Ang buong kalawakan iyong limutin
Wala nang iba malibang sa iyo't sa akin
Isasayaw kita hanggang wala nang bituin

Mamahalin kita hanggang wala nang bituin



Credits
Writer(s): Mikhail Roshan Tupaz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link