Uyayi

Tulog na, munting sanggol
Tumabi na't yumapos
Ipikit ang 'yong mata
'Wag matakot
'Wag mangamba
Pakinggan ang tinig ko
Itong uyayi'y para sa 'yo

Sa gabing malamig, ika'y yakap-yakap
Ng isang anghel na nahulog sa lupa
Mga mata niyang munti
Sa gabi'y ngumingiti
Sa mundong mapanglaw siya'y nagbigay ilaw
Sa maskit na bukas ay siya'ng tanging lunas
Dalisay ang kanyang ngiti
Siya lamang ang tinatangi

Sa gabing malamig siya'y umaawit
Parang anghel na iniwan ng langit
Mga mata niyang munti
Sa gabi'y nagmamasid

Aking ilaw, siya'y nasilaw
Sa kadiliman ng buwan siya ay naligaw
Takot ang nanaig sa pusong inagaw

Sa gabing malamig, ika'y yakap-yakap
Ng isang anghel na nahulog sa lupa
Mga mata niyang munti
Sa gabi'y ngumingiti
Sa mundong mabagsik, siya ay sinilang
Ang puting buwan ang siyang tanging kanlungan
Mga maya niyang itim, maghahasik na ng lagim

Aking ilaw, siya'y nasilaw
Sa kadiliman ng buwan ika'y naligaw
Takot ang nanaig sa pusong inagaw
Ngunit ang pag-ibig ang siya ng halimaw
Ang kadiliman ng mundo ay tanging ikaw



Credits
Writer(s): Mikee Misalucha
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link