Huwag Muna Tayong Umuwi

Huwag muna tayong umuwi (ooh, ah)
Dito muna, muna (ooh, ah)
Huwag muna tayong umuwi (ooh, ah)
Dito muna, muna (ooh, ah)
Huwag muna tayong umuwi

Magkahawak-kamay, naglalakad sa may dalampasigan
Saksi ang alon at buwan
Bumibilis ang tibok ng puso tuwing ika'y tumatawa
O tumitingin sa 'king mata

Kinakabahan na baka (kinakabahan na baka)
Gusto mo nang umalis (gusto mo nang umalis)
Hindi ko malaman (hindi ko malaman)
Kung pa'no sasabihin

Huwag muna tayong umuwi
Mundo'y tahimik sa iyong tabi, dito muna, muna
Maaga pa'ng hatinggabi
Naglalaho ang dilim sa iyong ngiti, dito muna, muna

Ako, ako (dito muna, muna)
Tayo, tayo (dito muna, muna)
Huwag muna tayong umuwi

Baka puwede namang dito muna tayo
Hanggang ang langit ay maging kulay kahel at dilaw? (Oh)
Habang dumidiin ang paa sa buhangin
Tumitindi rin ang pangarap na ako't ikaw

Kinakabahan na baka (kinakabahan na baka)
Gusto mo nang umalis (gusto mo nang umalis)
Hindi ko malaman (hindi ko malaman)
Kung pa'no sasabihin

Huwag muna tayong umuwi
Mundo'y tahimik sa iyong tabi, dito muna, muna
Maaga pa'ng hatinggabi
Naglalaho ang dilim sa iyong ngiti, dito muna, muna

Ako, ako (dito muna, muna)
Tayo, tayo (dito muna, muna)

Dito muna, muna
Dito muna, muna

Huwag muna tayong umuwi
Mundo'y tahimik sa iyong tabi, dito muna, muna
Maaga pa'ng hatinggabi
Naglalaho ang dilim sa iyong ngiti, dito muna, muna

Ako (dito muna tayo), ako (dito muna, muna)
Tayo (dito muna ako), tayo (dito muna, dito muna)
Huwag muna tayong umuwi, oh-oh



Credits
Writer(s): Gianina Camille Del Rosario, Julius James De Belen
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link