Dalita

Ayan ka na naman Sumasabay sa agos ng mundo
Nagpapaligoy-ligoy lang habang nakayuko
Lumiliyab, nagsusumamo ang puso
Paano ba kung sadyang 'di kayang makalayo

Oh bakit kaya
Oh sa'n nga ba ako nagkulang
Bakit sila umaangat nang parang wala lang
Sadyang hindi ba 'to para sa tulad kong mahina lang

Ayan ka na naman paikot-ikot nang walang hinto
'Di mapakali, 'di lubos maisip kung bakit ganito
Lumuluha, nagsusumamo ang puso 'Di sigurado kung lalaban ba o susuko

Oh bakit kaya
Oh sa'n nga ba ako nagkulang
Bakit sila umaangat nang parang wala lang
Sadyang hindi ba 'to para sa tulad kong mahina lang

Nagtatanong, nagsusumamo ang puso
'Di malabanan ang binubulong ng isip ko

Oh bakit kaya
Oh sa'n nga ba ako nagkulang
Bakit sila umaangat nang parang wala lang
Sadyang hindi ba 'to para sa tulad kong mahina lang



Credits
Writer(s): Nicole Abuda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link