Bittersweet

Isip kong putla, namamaga, dinadaga
Sorry kung makulit
Papisil naman ng kamay kong manhid

Hinding hindi na nga mauulit
Mga gabing tumatakas saglit
Huwag mo ng ipilit, malambing mong titig
Puso'y napupunit

Ihip ng hanging, nanggigising, nagsasabing
Sorry kung malamig, hindi ka kibuin
Huwag mo ng alamin

Hinding hindi na nga magsusungit
At pupunta sa bayang malupit
Huwag kang maiinggit, kung malaman mong
Mayroon ng kapalit

Akala ko pag hawak ko ay akin na
Ang labo mo, bahala ka sa buhay mo

Hinding hindi na nga magbabalik
Hayaan bang tayo'y magkagalit
Sa aking pag alis, baunin mo na lang
Kahapong kay pait
Sa aking pag alis, baunin mo na lang
Kahapong kay tamis

Sa aking pag alis, baunin mo na lang
Kahapong kay pait



Credits
Writer(s): Jaie Navarro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link