Ulan

Bubong natin ay nabubutas na
'La man lang kusa
At sumasabay ang kulog na may
Ambon pang kasama
Ika'y nababasa na walang pakialam
Agad kang pupunasan
Para kang patay, hindi na nagalaw
Nasa kalawakan ka ba?

Bang hirap nang kumakatok
Ngunit wala namang sumasagot
Pu-puwede kayang maabot
Ang damdamin mong nalulungkot

Kung bubuhos ang ulan ay hayaan mo lang
Nandito lang ako, ikaw ay papayungan
Sige, 'wag mong pigiling
Maipon ang luha sa'yong mga mata

Lumalalim-lalim
Na ang tubig, tubig
Para kang sirenang
Gustong masagip
Humihiling nang humihiling
Gusto mo siyang makita

Mapupungay na mata
Hindi na natutulog
At kung halikan kita
Wala ring matutulong
Kung sasabihin na
Ikaw ay mahuhulog ay
Hahayaan mo lang

Bang hirap nang kumakatok
Ngunit wala namang sumasagot
Pupwede kayang maabot
Ang damdamin mong nalulungkot

Kung bubuhos ang ulan ay hayaan mo lang (Hayaan mo lang)
Nandito lang ako, ikaw ay papayungan
Sige, 'wag mong pigiling
Maipon ang luha sa'yong mga mata (Sa'yong mga mata)

Lumalalim-lalim (Lumalalim)
Na ang tubig, tubig
Para kang sirenang
Gustong masagip (Ah)
Humihiling nang humihiling
Gusto mo siyang makita

Pwede mo akong sandalan, sandalan, yeah
Pwede mo akong sandalan, sandalan, yeah (Sandalan)
Pwede mo akong sandalan, sandalan, yeah (Ooh)
Sandalan, yeah, sandalan, yeah (Yeah)
Pwede mo akong sandalan, sandalan, yeah
Pwede mo akong sandalan, sandalan, yeah (Pwede mo akong sandalan)
Pwede mo akong sandalan, sandalan, yeah (Ooh)
Sandalan, yeah, sandalan, yeah (Oh-oh)

Kung bubuhos ang ulan ay hayaan mo lang
Nandito lang ako, ikaw ay papayungan
Sige, 'wag mong pigiling
Maipon ang luha sa'yong mga mata

Lumalalim-lalim
Na ang tubig, tubig
Para kang sirenang (Para kang sirenang)
Gustong masagip (Ah)
Humihiling nang humihiling
Gusto mo siyang makita



Credits
Writer(s): Ralph Castor
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link