Umaga

Umaga na, umaga na
Dilim ng kahapon ay natapos na
Kagaya ng pagibig Niya
Hindi mapipigil sa pag-daan

Ano man ang iyong dinaraanan
Hinding hindi ka Niya nakalimutan
Ano man ang iyong kinakailangan
Hinding hindi ka Niya nakalimutan

Ang bawat umaga'y isang paalala
Ang Diyos ay mabuti't ika'y pinagpala
Ika'y pinagpala

Umaga ay gumagaan
Sa bagong pag-asang Iyong binibigay
Kagaya ng pag-ibig Niya
Hindi mapipigil sa pag-daan

Ano man ang iyong dinaraanan
Hinding hindi ka Niya nakalimutan
Ano man ang iyong kinakailangan
Hinding hindi ka Niya nakalimutan

Ang bawat umaga'y isang paalala
Ang Diyos ay mabuti't ika'y pinagpala
Ika'y pinagpala

At ang gabi'y sumapit man
Ito ay ating kapahingahan
Kagaya ng pag-ibig Niya
Na pumapawi sa pusong napapagal

Ano man ang iyong dinaraanan
Hinding hindi ka Niya nakalimutan
Ano man ang iyong kinakailangan
Hinding hindi ka Niya nakalimutan

Ang bawat umaga'y isang paalala
Ang Diyos ay mabuti't ika'y pinagpala

Ang bawat umaga'y isang paalala
Ang Diyos ay mabuti't ika'y pinagpala
Ika'y pinagpala



Credits
Writer(s): Alfie Calayag
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link