Kalma Lang

Kamay nanlalamig
Kumakabog ang dibdib
Mabilis ang takbo ng isipan ko
Biglang nanginginig
Paghinga'y sumisikip
Mundo'y tumigil ba
Anong dapat gawin

Kalma lang o kaibigan
Tuloy tuloy lang ang pag-ikot ng buhay
Kalma lang ika'y sasamahan
Kanyang pangako maaasahan

Haplos ng pag-ibig nadarama ay langit
Dulot nito'y kapayapaan nais
Sulyap ng 'Yong mukha sa 'ki'y nakangiti
Mundoy umikot na
Lahat kayang gawin

Kalma lang o kaibigan
Maraming bagay ka pang dapat malaman
Kalma lang di ka iiwanan
Siya ay nangakong magbabalik 'sang araw

Matutong maghintay
Magtiwala ka lang

Kalma lang o kaibigan
Tuloy tuloy lang ang pag-ikot ng buhay
Kalma lang ikay sasamahan
Kanyang pangako maaasahan

Kalma lang o kaibigan
Maraming bagay ka pang dapat malaman
Kalma lang 'di ka iiwanan
Siya ay nangakong magbabalik 'sang araw
Kalma lang
Kalma lang
Kalma lang
Kalma lang



Credits
Writer(s): Kit De Guzman
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link