Kung Wala Na Ako

'Di ba parang mahika
Na magkasama tayong dalawa?
Oh, talo pa lahat ng pelikula
Sa pagmamahalan nating dalawa

Pasayaw-sayaw sa paborito mong kanta
'Di na bibitaw kahit mapagod ang mga paa

Ninanais ko lang na sabihin sa 'yo
Na ikaw lang pala ang hanap-hanap ko
Halos abutin ko na ang dulo ng mundo
Kakahanap sa taong sa 'ki'y bubuo
Andito lang pala sa harap ko

Hmm, hmm, hmm

'Di ba parang mahika
Tuwing magkayakap tayong dalawa?
Oh, tanggal lahat ng aking problema
Kasi ikaw ang aking pahinga

Pasayaw-sayaw sa ilalim ng dilaw'ng buwan
'Di na bibitaw magpakailanman

Kasi nais ko lang na sabihin sa 'yo
Na ikaw lang pala ang hanap-hanap ko
Halos abutin ko na ang dulo ng mundo
Kakahanap sa taong sa 'ki'y bubuo
Andito lang pala sa harap ko

Hmm, hmm-hmm

La-la-la--la, andito ka lang pala
Sana'y nakikinig ka sa 'kin, oh, aking sinta
Ito'y sinulat kong awitin kasi mahal kita
Magsisilbi itong paalala sa iyo (paalala)
Kung wala na ako

Nais ko lang na sabihin sa 'yo
Na ikaw na pala ang hinahanap ko
Halos abutin ko na ang buong mundo
Kakahanap sa 'yo, oh, sa 'yo, oh, sa 'yo
Andito ka lang pala, mahal ko



Credits
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link