PLANO (feat. Rowmee G & Lanzeta)

Masyado ko daw ginagalingan
Daming galit ayaw nilang malampasan
Habang ako naka-dekwatro tira basic lang
Tapos sila hirap na hirap akong maangatan

Wala naman 'yun sa plano
Mas pinili ko maging bago
Kesa makipagtulakan sa nag-uunahan
Na maging the best sa kung pa'no

Lutuin 'yung mga hinain na beat
Sige kayo na magaling at palaging hit
Mga kumurot sa 'kin mga panay kalabit
Mga malupit daw na nagmamalupit yah

Baka pwede na makidaan
Makikiupo lang naman
Wala naman akong balak agawin
'Yung ilaw kung sino 'yung natapatan

Sapat na sa akin 'yung nakalaan
Sige kayo na 'yung nasa unahan
Pili ko 'yung mga lalapagan
'Di madikitan kahit saan dumaan
Kasi nga

Mga nataranta sa bago
Dami ng mga asal aso
Panay tahol takot kumagat
Piling mabigat pero pangil nakatago

Kahit na minsan 'di na-blangko
Mga kanta namin laging nasa kanto
Tinangkilik kahit 'di pinilit
Pa'no ba naman kada linggo may bago

'Yung mga inggit nagsidikit
Nang malaman nilang nag-hit
'Yung minaliit sumasabit para mag-click
Sabay kalabit 'yung nilako nila
'Di na bet ng mga bagets kaya 'di mabenta

Mga binatilyo makapal 'yung muta sa mata
Ngayon ay tulog pa
Matabil na dila gusto pang pumila
Kaso lang tamad 'yung alam lang naman mangutya pucha

Masyado ko daw ginagalingan
Daming galit ayaw nilang malampasan
Habang ako naka-dekwatro tira basic lang
Tapos sila hirap na hirap akong maangatan

Wala naman 'yun sa plano
Mas pinili ko maging bago
Kesa makipagtulakan sa nag-uunahan
Na maging the best sa kung pa'no

Lutuin 'yung mga hinain na beat
Sige kayo na magaling at palaging hit
Mga kumurot sa 'kin mga panay kalabit
Mga malupit daw na nagmamalupit yah

Matagal-tagal na rin nakabakante
Mainit sa mata parang dyamante
Daming naghahanap kasi nga kapag lumitaw 'to
Mga sipag nagsisibalik sa dati

Ganyan ang impluwensiya
Pasaway na 'ko no'n pare 'la pa man lisensya
Kaya sa pinasa mo na beat
Masasabi ko lang ah nako puta pasensya

Marami-rami ang naipon na gutom dahil sa 'king inatupag
Kaso nga lang imbis na kalawangin
Ay mangangamoy tunaw na bakal
Sa 'king pagdating hindi lang basta salamin ang nababasag

Para sa 'kin kukulangin 'yung labing-anim na bara
Kaya lahat ng galit ay talagang makakaasa
Tipong kahit sa meron man o wala
Ang puntahan paniguradong talunan
Walang pwedeng makatamasa

'Di uso naka-bulletproof vest
Madali lang na papaulanan
Side quest ko lang
Ang umapak ng pangalan
Kadalasan sa 'king pinatulan ay na-depress malamang

Sa laro matagal nang obsessed
Mga nang-maliit sige paki-compress
Dating gustong manapak
Ay nasa friend request ko na lang
Nahihiyang sabihing "Lodi pa-accept"

Nakupalan na yumabang
Nautakan natural lang
Sa normalang ngayon parang
Kagubatan hayop habang
Ako lamang pasukan ang
Tapunan ng basurahan
Naduraan ang bulaan
Hulaan maghubaran namukhaan

Nagmistulang na wala lang yeah
Napaliko napakanan
Nabigo ang kapalaran
Tamang na "sino ka" ng harapan
Ang mali ko nakaraan, yeah

Anino lang ang kalaban
Gamit mo kapag kailangan
Dati ko na kalagayan
Talikuran sa daanan
Paikutan kalakaran
Nahilot na ang tadhanang
Mahinto ang katangahan
Ng kilusan ang galawan

'Di ka nga raw naiba
Sa mga kaakit-akit nilang mga salita
At nawalang kapit gamit sila napa-tangina
Habang walang kasabit-sabit ginawa nang mag-isa

Kaya mga nangmata nairapan ang
Nadaanan wala nang pansinan habang
Kasabayan nawala at naiwanan ng
Nalampasan parang nabalewala lang

Higit dahil niloko mo pagka pinapaburan
Pitik kasi tinotoo bala tila nagpaulan
Isip ay pinilosopo bata pinagbabatukan
Hindi na sineryoso 'tong mga pinaglalaluran

Nang patunguhan ang tanga habang sinasabihang bobo
Palunok ang karanasan ng pinanggalingang oo
Nabuo lang ng agaran nang biglaan tila todo
'Sang upuan nagawaan ng pinaghariang trono

Masyado ko daw ginagalingan
Daming galit ayaw nilang malampasan
Habang ako naka-dekwatro tira basic lang
Tapos sila hirap na hirap akong maangatan

Wala naman 'yun sa plano
Mas pinili ko maging bago
Kesa makipagtulakan sa nag-uunahan
Na maging the best sa kung pa'no

Lutuin 'yung mga hinain na beat
Sige kayo na magaling at palaging hit
Mga kumurot sa 'kin mga panay kalabit
Mga malupit daw na nagmamalupit yah



Credits
Writer(s): Nicole Macapagal, Jerome De Leon, Lanz Picache
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link