Anino Ng Gabi

Sa gabing ito
Maguuwi ako ng
Ala-alang pipihit sa minuminuto

Naaaninag ang
Sarili ko umaangi ang
Nakaraang
Namamalagi dito

Sindihan na lang
Ang kandila
Na nabubuhay buong araw
Walang kaagaw

Humihingi ako ng
Pasensya mo
Walang ibang mithi

Nagtataka ka ba
Kung nasaan ka na?

Pundido ang ilaw
Hindi ko mahila ang
Sumisilip sa susian
Di ko kilala ang
Anino, nino? anino ng
Gabi

Nangingibabaw ang
Pait sa katawan
Di na ramdam ang patutunguhan

Di na mapakali
Ang aking utak
Kaya kayang umisip ng bagong lunas?

Nagtataka ka na kung nasaan na ba?

Pundido ang ilaw
Hindi ko mahila ang
Sumisilip sa susian
Di ko kilala ang
Anino, nino? anino ng
Gabi



Credits
Writer(s): Jeomir Clyde Galvez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link