Paano

Hindi ko alam pano pag sinabi ko sayo
Nararamdaman natin na tila ba magkalayo
Lalabanan gang magkaron ng lakas ng loob
Tatandaang sa tagpuan natin ako'y nandoon
Palaging may pangangamba saking bibig
Mga sagot sa mga tanong na gusto kong marinig
Bigat na bigat na sa mga lihim na aking bitbit
Binabagabag sa utak ng mga tanong sakin na
Ako ba ay may pagasa
Kung karapatdapat ba ako sayong mga mata
Kahit katiting na tyansa
Ang sukuan ka ay hinding hindi ko sayo na magagawa
Hey girl we've been running out of time
I've been struggling to find the right rhyme
Kaya please girl can you be mine
If you don't want, it's okay, fine

Tumitigil ang aking mundo
Pag nakikita ko ang ngiti mo
Lungkot ay biglang naglalaho
'Di ko maiwasang mapaibig sa iyo

Kay tagal kong umaasa
Wala parin ba sayong balita
Inabot ng umaga
Wala parin kahit na isang salita
Pwede bang malaman kung na san ka na
Para lang mapanatag ang kalooban ko diba
Pasensya na alam kong nakukulitan ka na
Ganito lang talaga ko pag minamahal kita
Lagi lagi kang me parinig sa social media
Kung nalulungkot labas tayo tara halika
Ako na muna ang magsisilbi mo na komedya
Sa mundong di nakakatuwa't daming eksena
Sa puso ko'y laging bumibida
Naakit sa iyong ganda o mahal na reyna
Sana pag sa susunod ulit na pag kikita
Magkahaway kamay tayo sa dalampasigan

Tumitigil ang aking mundo
Pag nakikita ko ang ngiti mo
Lungkot ay biglang naglalaho
'Di ko maiwasang mapaibig sa iyo

Kahit pa na ika'y gustuhin
Ang tanong nga lang kung ako ay gusto mo din
Malabo man sa aking paningin
Susubukan ko parin mga tala na sungkitin
Kahit baby di mo na maibalik
Kahit sa mga halik at yakap mo ako'y nasasabik
Magbago man sa stilo ng pananamit
Hindi ang damdamin ko kahit na ito ay masakit
Ayos lang kung kaibigan lamang ang pagtingin
Tumingin ka lang at sana ako ang yong lingunin
Lang pake kung ano man ang kanilang sabihin
Handa na masaktan kung di mo ko seseryosohin
Ayos lang kung kaibigan lamang ang pagtingin
Tumingin ka lang at sana ako ang yong lingunin
Lang pake kung ano man ang kanilang sabihin
Handa na masaktan kung di mo ko seseryosohin
Kapag umamin ako pano kung wala lang pala sa iyo
Kahit gano katotoo, paano pag talagang ayaw mo

Tumitigil ang aking mundo
Pag nakikita ko ang ngiti mo
Lungkot ay biglang naglalaho
'Di ko maiwasang mapaibig sa iyo



Credits
Writer(s): Jerome Banaay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link