Pangungulila

Pa'no na ang buhay ko ngayong wala ka sa piling ko?
Ikaw na siyang bumuo
Ang tanging ninanais ko
Sa bawat pagmulat ng mata, laging hanap-hanap ka
Nawalan na ng sigla
Ang puso ko'y nagdurusa

Sa aking panaginip ay ala-ala ka sinta
Sa aking pag-iisa, ikaw lang ang nais makasama
Sa aking pangungulila, sana'y iyong madarama
Aking pagmamahal na sa 'yo lang ilalaan
Aking sinta

Hanggang kailan paba ako maghihintay sa pagbabalik mo?
Ikaw ang aking mundo
Ikaw ang tanging ligaya ko
Kahit malayo ka man, tibok nitong puso ko'y pakinggan
Maging sa pagtulog ko
Ikaw lang ang nilalaman

Sa aking panaginip ay ala-ala ka sinta
Sa aking pag-iisa, ikaw lang ang nais makasama
Sa aking pangungulila, sana'y iyong madarama
Aking pagmamahal na sa 'yo lang ilalaan

Sa pagsapit ng gabi, ikaw ang nais makatabi
Mga luha kong nananabik sa mga yakap mo't mga halik
Ang pag-ibig na walang hanggan
Kailanma'y sa 'yo lang ilalaan
Ang wagas na pagmamahalan

Sa aking panaginip ay ala-ala ka sinta
Sa aking pag-iisa, ikaw lang ang nais makasama
Sa aking pangungulila, sana'y iyong madarama
Aking pagmamahal na sa 'yo lang ilalaan

Sa aking panaginip ay ala-ala ka sinta
Sa aking pag-iisa, ikaw lang ang nais makasama
Sa aking pangungulila, sana'y iyong madarama
Aking pagmamahal na sa 'yo lang ilalaan



Credits
Writer(s): Cj Ylanan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link