O, Mahal

Gising pa rin
Kahit madaling araw
Iniisip pa rin
Ang mga kaganapan
Ginawa ko naman
Lahat ng iyong kahilingan
Kahit na nasimot
Na ang aking katinuan

Sumunod sa hakbang patungong kawalan
'Di na makabalik sa daan
Wala nang makita, wala nang madama
'Di na maramdaman ang paa

O, mahal, kailan mo ako bubuhatin
Palayo sa isipang 'di mapakali't nahihirapan na?
O, mahal, kailan ba ako makalalaya
Sa tinaling kadena sa puso kong wala nang natira?

Gising pa rin
At nagdurugo ang mga sugat
Na binuo
Ng matatalas mong mga salita
Ginawa ko naman
Ang lahat para ingatan ka
Pero ang binalik mo sa 'kin
Ay walang hanggang parusa

Sumunod sa hakbang, lalo lang naligaw
'Di na matandaan ang daan
Wala nang makita, wala nang madama
'Di na magabayan ang paa

O, mahal, kailan mo ako bubuhatin
Palayo sa isipang 'di mapakali't nahihirapan na?
O, mahal, kailan ba ako makalalaya
Sa tinaling kadena sa puso kong wala nang natira?

'Di ko na kilala
Ang sarili ko ngayon

O, mahal, kailan mo ako bubuhatin
Palayo sa isipang 'di mapakali't nahihirapan na?
O, mahal, kailan ba ako makalalaya
Sa tinaling kadena sa puso kong wala nang natira?



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link