Di Na Akin

Taon na pala ang lumipas?
Ramdam ko pa rin ang hampas
Ng katotohan ng ating wakas
Ba't parang ako lang nagkasugat?
Ba't parang ako lang ang nasira
Ng ating mga pangako?

Narito pa rin ako, ooh
Kung sa'n tayo huling nagtagpo

Hanggang kailan gan'to? (Hanggang kailan gan'to?)
Ang puso ko'y sa 'yo pa rin
Kahit ang iyo ay 'di naman na akin
Hindi ba hihinto? (Hindi ba hihinto?)
Sa paglingon at pagmuni-muni
At pagbakasakali na baka pwede tayong muli

Naghihintay pa rin
Naghihintay pa rin, ooh

Alam kong hindi na dapat
Itayo ang dating nawasak
Na tahanan ng ating pagmamahalan
Wala namang pinanghahawakan
Ngunit hindi naman din makabitaw

Narito pa rin ako, ooh
Kung sa'n tayo huling nagtagpo

Hanggang kailan gan'to? (Hanggang kailan gan'to?)
Ang puso ko'y sa 'yo pa rin
Kahit ang iyo ay 'di naman na akin
Hindi ba hihinto? (Hindi ba hihinto?)
Sa paglingon at pagmuni-muni
At pagbakasakali na baka pwede tayong

Kung 'di ikaw ay 'wag na lang
Kung 'di ikaw ay 'wag na lang
Kung 'di ikaw ay 'wag na lang
Kung 'di ikaw ay 'wag na lang

Hanggang kailan gan'to? (Hanggang kailan gan'to?)
Ang puso ko'y sa 'yo pa rin
Kahit ang iyo ay 'di naman na akin
Hindi ba hihinto? (Hindi ba hihinto?)
Sa paglingon at pagmuni-muni
At pagbakasakali na baka pwede tayong muli

Muli
Muli



Credits
Writer(s): Amiel Isaac Sol
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link